MGA SERBISYO
-
Kung nagkakaproblema kayo sa isang pederal na ahensya o kagawaran, maaari namin kayong tulungan sa mga pagtatanong at pagtingin sa katayuan ng inyong kaso.
-
Maaaring tingnan ng aking tanggapan ang katayuan ng isang application at gumawa ng Congressional letter of support para sa inyong kamag-anak o kaibigan na nag-apply para sa isang visitor visa.
-
Upang mas mahusay kayong mapaglingkuran at upang mas madaling malapitan, regular na nagkakaroon ang staff ng Mga Mobile Office Hour sa buong distrito at sa mga kapitbahayan na malapit sa inyo.
-
Maaaring makapagbigay ang aking tanggapan ng mga liham ng suporta at iugnay kayo sa mga pederal na ahensya na nagbibigay ng mga tulong para sa inyong organisasyon.
-
Kapag bibisita sa Washington DC, makipag-ugnayan sa aking tanggapan bago pumunta para mabigyan ng mga tour sa White House, U.S. Capitol, Library of Congress at marami pang iba.
Tungkol kay Adam
TUNGKOL SA AKIN
Congressman Adam Smith
Ika-9 na Distritong Pangkongreso, Washington
Sa ngayon, nasa kanyang ika-10 termino na si Congressman Adam Smith, kung saan siya ay isang nakatataas na miyembro ng Kongreso at bahagi ng pangkat ng demokratikong pamumuno. Sakop ng kanyang distrito ang mayaman sa kulturang South Seattle hanggang sa abalang Port of Tacoma. Kasama rin dito ang lungsod ng Bellevue, isang sentro para sa high-tech na inobasyon. Sa buong pananatili niya sa Kongreso, nakipaglaban si Congressman Smith para sa mga isyung mahalaga para sa kanyang mga nasasakupan sa ika-9 na distrito.
Naglilingkod si Congressman Smith bilang Ranking Member ng House Armed Services Committee, kung saan isa siyang mahusay na tagapagtaguyod para sa ating mga kababayang naglilingkod sa militar at sa mga pamilya ng mga nasa militar. Nakatuon siya sa pagbibigay sa ating militar ng pinakamahusay na kagamitang maaari nilang magamit upang maisakatuparan nila ang kanilang mga misyon sa kasalukuyan at sa hinaharap habang tinitiyak na ginugugol ng Pentagon ang mga dolyar ng mga nagbabayad ng buwis sa pinakamahusay at pinakaepektibong paraan. Sa kanyang kasalukuyan at dati nang tungkulin sa komite at sa marami niyang paglalakbay, nagkaroon na si Congressman Smith ng mga natatanging pananaw sa ating mga pangunahing isyu sa ngayon ukol sa pambansang seguridad sa buong Middle East. Kabilang dito ang giyera sa Afghanistan, pati na rin sa Northern Africa at ang ating mas pinaigting na pagsusumikap upang mapigilan ang paglaganap ng mga marahas na pangkat ng extremist at ang paglaganap ng kanilang mga ideyolohiya sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa pangangailangan sa isang pangkabuuang pamamaraan sa pambansang seguridad, kinikilala ni Congressman Smith ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano sa pag-aahon sa mga mamamayan sa kahirapan, pagkakaroon ng edukasyon, mga napapanatiling pandaigdigang merkado, diplomatikong pakikipag-ugnayan, mabuting pamumuno at iba pang mga hakbang upang makamit ang ating hangarin tungo sa isang matatag na pakikipagsosyo sa ibang bansa. Sinuportahan niya ang mga panukala ng reporma sa pagtulong ng America sa ibang bansa, naghain ng batas upang tugunan ang pandaigdigang kahirapan, at binuo ang bipartisan na Congressional Caucus for Effective Foreign Assistance (CCEFA) kasama si Congressman Ander Crenshaw.